By Hazel M. Mendez
Cabadbaran City Division

Mga delegado naghahandang pumasok sa loob ng JP Satorre Gymn para sa pormal na pagbubukas ng paligsahan Nov. 5, 2018.


WRITE FOR TRUTH


“When you are given the opportunity to write grab it and surround your writing with truth,” ani Dr. Margarita Consolacion Ballesteros, Director for External Partnerships Service ng Kagawaran ng Edukasyon sa Kanyang pahayag sa pambukas na palatuntunan sa ginanap ng Regional Schools Press Conference nitong Ika-5 ng Nobyembre, 2018 sa J.P. Satorre Gymnasium, Buenavista, Agusan del Norte na pumukaw sa kaiisipan ng mga batang manunulat.

Kinakailangan na ang mga batang mamamahayag ay maturuang maigi sa pagsulat ng may katotohanan para sa pagkumbinse sa mga mamamayan sa gumawa ng aksyon batay sa kung ano ang nararapat.

“In order to learn to write for truth one must have mastered values which should be emphasized in the school,” dagdag pa ni Ballesteros.

Ang pagsasanay ng isang mamamahayag ay hindi lamang sa mismong  pagsulat ngunit ang pagbuo nitong perpekto at may katutuhanan sa kabila ng hindi perpektong mundo.

“We must train young writers to think beyond what they merely see so that they will learn to realize the beauty in our imperfect society,” pagtatapos niya.

Samantala hinikayat niya ang mga mamamahayag na patuloy pa ring mangarap upang makabuo ng isang kapakipakinabang na gawain para sa lipunan.

Mga kalahok naghihintay sa loob ng St. James High School covered court.

PAGSISIMULA SA PALIGSAHAN NAANTALA

Naantala ang pagsisimula sa sanay sa unang araw sa paligsahan sa indibiduwal na pagsulat nitong Ika-6 ng Nobyembre, 2018 sa St. James High School covered court na nakapagsimula lampas alas otso ng umaga dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

“Nakapagpadagdag sa aking kaba at tensiyon ang pagkaantalang ito na sanay sa mga oras na ito ay nagsisimula na ang gaming photoshoot,” ani Julia Siane C. Tiu ng Sangay ng Cabadbaran.

Dahil sa pangyayaring ito, kumpol-kumpol ang mga batang photojournalists sa loob ng covered court kasama ng kani-kanilang mga grong tagapagsanay.

“Nagpasalamat naman ako kahit lateang pagsisimula dahil nagkakaroon pa kami ng last minute coaching ni teacher sa mga points to consider for our photoshoot,” nakangiting paliwanag ni Glaiza Faith A. Balbucina ng Sta. Cruz Elementary School, Butuan City.

Halu-halo ang nagging emosyon at reaksiyon ng mga batang mamamahayag at mga gurong tagapagsanay sa naturang hindi inaasahang kaganapan.

Gayun pa man sinimulan kaagad ang naunang iskedyul na paligsahan sa photojournalism nang dumating na ang mga hurado.

Mga kagalang galang na personalidad ng 2018 RSPC na pinagunahan ni Regional Director Francis Cesar B. Bringas, CESO V.


RSPC 2018 KICK-OFF NAGING MAKULAY

 

Naging makulay ang pangunahing kalsada ng lungsod ng Buenavista nitong Ika – 5 ng Nobyembre, 2018 las dos ng hapon ng pumarada ang daan-daang mga mamamahayag, mga gurong tagapagsanay at mga tagapamahala ng tanggapan ng Kagawaran ng Edukasyon mula sa 12 na Sangay ng Caraga sa taonang Regional Schools Press Conference suot ang kani-kanilang division represented color shirts.

 

Labin dalawang iba’t – ibang kulay ang nakapagpadagdag sa ganda ng Lungsod at ganda ng dekorasyon sa gym kung saan idinaos ang pambungad na palatuntunan.

 

Mas lalong pinakulay ang naturang okasyon sa presensya ng mga kagalang-galang na mga panauhin gaya nina Dr. Margarita Consolacion Ballesteros mula sa pambansang tanggapan ng Kagawaran ng Edukasyon; Maria Angelica Rosedell M. Amante-Matba, gobernador ng Agusan del Norte;  Norbert Pagaspas, mayor ng Buenavista; Francis Cesar Bringas, pangrehiyong direktor ng DepEd Caraga,  mga Schools Division Superintendent, Assistant Schools Division Superintendent, at iba pang lokal na mga opisyales mula sa Probinsiya ng Agusan del Norte, lungsod ng Buenavista, at mga panauhin mula sa ibang mga munisipalidad, siyudad, at probinsiya.

 

Bagamat hindi na isinout ang makukulay na damit habang ginaganap ang paligsahan, patuloy pa rin itong pinapakulay sa pagtatapos kung saan naideklara ang mga nagwagi na siyang kamakatawan sa DepEd Caraga sa National Schools Press Conference na ginanap noong January 28 hanggang February 1, 2019 sa Pangasinan.

Tila hindi na ininda ng mga kalahok mula Bayugan City Division ang kakulangan ng mga pasilidad sa mga billeting quarters matapos silang magwagi bilang over-all champion.


RSPC BILLETING QUARTERS ‘GAANO KAHANDA?’

Bumugad agad sa mga dumarating na delegado sa bawat paaralang ginawang billeting quarter ang kaayusan at kahandaang ginawa nito sa mga namumuno para sa mga kalahok sa Regional Schools Press Conference 2018 sa Buenavista, Agusan del Sur.

Ayon sa mga panayam ng iba’t-ibang delegado mula sa iba’t-ibang sangay ng Caraga, may puna ang makikita sa iilang paaralang kanilang kinalalagyan.

“Napakahirap maligo at mag C.R. dito. Iyong makeshift na paliguan wala man lang wastong takip para hindi masilip ang sinomang maliligu o magbibihis. Mahihirapan ka pang maglagay ng iyong mga gamit dahil wala naming mapatungan,” ani Angel Mae D. Tao-on manunulat sa Sangay ng Cabadbaran.

Liban pa doon ang hirap sa tubig na gagamitin sa mga C.R. sa ikalawang palapag. Hindi maiiwasang mapuna kaagad ng mga tao sa Cabadbaran ang hirap nito dahil hindi naman ito pahirapan sa kanilang lugar.

“Okey ang supply sa tubis sa mga palikuran at paliguan. Mayroon ding sapat na ilaw sa mga daanan sa gabi. Ang ikinabahala lang namin, wala kaming nakikitang uniformed personnel na itilaga para sa safety ng lugar. Pero wala pa namang naitalang insidenteng naganap,” puna ni Bb. Rowena R. Mangin ng Bislig City.

Kinakailangan din namang pagtuunan ng pansin ang kaligtasan ng bawat kalahok kahit wala pa namamg naitalang insidente o sakuna.

Gayunpaman kahit lahat ng paghahanda ay may mga kakulangan, nararapat lang ding tugunan upang maging matiwasay ang pansamantalang paninirahan ng mga kalahok.