๐™ฝ๐š’: ๐™บ๐š’๐š– ๐™ต๐š•๐š˜๐š›๐šŽ๐š๐šŠ ๐™ป๐šŠ๐š‹๐šŠ๐šœ๐š๐š’๐š•๐š•๐šŠ
๐š‚๐š‚๐šƒ-๐™ธ๐™ธ, ๐™ป๐šŠ๐šœ ๐™ฝ๐š’๐šŽ๐šŸ๐šŽ๐šœ ๐™ฝ๐™ท๐š‚
๐™ฐ๐š๐šž๐šœ๐šŠ๐š— ๐š๐šŽ๐š• ๐™ฝ๐š˜๐š›๐š๐šŽ ๐™ณ๐š’๐šŸ๐š’๐šœ๐š’๐š˜๐š—

“Andiyan na si Ginang Maigi!”

Sigaw ng kaklase kong si Matiyak.

Lahat kami ay sinalubong si Ginang Maigi. Isa-isa kaming pumila para yakapin siya sa umaga.

Masiyahin si Ginang Maigi. Siya lang ang titser namin na madalas nakangiti. Kulot at maitim ang kaniyang mga buhok. Mahaba at pakurba ang kanyang pilik mata. Sakto sa bilogan niyang mga mata.

Ngunit, bakit apat ang mata ni Ginang Maigi?

Tanong ko sa aking sarili.

Nakapatong sa kanyang dalawang bilog na mata ang dalawa pang parisukat na salamin na singkapal ng takip ng garapon.

Sabi ni Ginang Maigi, ang dalawa pa niyang mga mata na hugis parisukat ay nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan.

May powers pala si, maโ€™am? Akalain mo iyon?!

“Dahil sa dagdag kong mga mata, nakikita ko kung ano ang ginagawa ninyo habang ako ay nakatalikod at nagsusulat sa pisara,” sabi ni Ginang Maigi.

“Malayo palang ako, kitang kita ko na ang pananabik niyo lalo na ang napakakurbang ngiti ni Matiyak,” sabay pisil niya sa malusog na pisngi ng kaklase ko.

Humakbang si maโ€™am nang ilang beses papunta sa pisara mula sa likuran ng klasrum.

“Dahil sa apat kong mata, nakikita ko ang liwanag ng mga pangarap niyo. Nakita ko kanina, gustong gusto ni Mabel na maging mang-aawit. At si Marhan, nakita ko ang kanyang puso na galak na galak na malibot ang mundo!” sabay palakpak naming lahat.

May agimat ba ang apat na mata ni Ginang Maigi?

Manghang-mangha kami sa apat na mata ni Ginang Maigi.

Tuwing tanghali, kasama namin na kumakain si Ginang Maigi sa silid-aralan. Sabik na sabik kaming lahat na makita ang ulam ni Ginang Maigi. Ngunit, tuwing binubuksan niya ang kanyang baonan, napansin ko na paulit ulit ang ulam ni maโ€™am.

Siguro, paborito niya ang nilagang itlog sa araw-araw. Baka naman mas lumalakas ang powers niya tuwing kumakain ng nilagang itlog, wari ko sa aking sarili.

Minsan, habang nagtuturo si Ginang Maigi, tagaktak ang kanyang pawis. Nabalot ng pawis ang kanyang salamin at napahinto siya sa pagsasalita.

Nang pauwi na ako sa hapon na iyon, nakita ko na humikbi si Ginang Maigi. Ngunit, tuyo naman ang kanyang pangatlo at pang-apat na mga mata.

“Malungkot po ba kayo? Bakit po kayo umiiyak?” tanong ko kay Ginang Maigi sabay hawak sa kanyang pisngi.

“Hindi, anak. Masayang masaya akoโ€, sabi ni maโ€™am.

“Kung ang luha niyo ay dahil sa saya, bakit po walang luha ang dalawa niyo pang mata? Hindi po ba sila masaya?”

“Dahil iyan anak sa kapangyarihan nila!” sabay ngiti ni Ginang Maigi.

Siguro nakita ng apat niyang mata ang pananabik ko na makauwi at makatikim ng hapunan na handa ni nanay.

Tinitigan ko ulit si Ginang Maigi. Ramdam ko na hindi saya ang binibigkas ng kanyang mga mata.

Sana, may apat din akong mata para makita ko ang nararamdaman ni Ginang Maigi, bulong ko sa sarili habang papauwi ako sa bahay.

“Nay, bakit po pagtumatanda, nagiging apat ang mata?” tanong ko kay inay habang naghahapunan.

“Mari, anak, nagiging apat ang mata ng tao habang tumatanda kasi mas lumalawak ang kanyang nakikita.”

“Masaya po ba ang magkaroon ng apat na mata, Nay?”
“Minsan,oo. Minsan, hindi.”

Kinabukasan, nang dumating si Gng. Maigi, pumila ulit ako at niyakap siya nang napakahigpit. Ngunit ngayon, may kasama akong hiling na sana ay saya ang dulot ng apat na mata kay Ginang Maigi.

โ– โ–‚ โ–„ โ–… โ–† โ–‡ โ–ˆ END โ–ˆ โ–‡ โ–† โ–… โ–„ โ–‚ โ–

Bio note: Kim Floreta Labastilla is a Secondary School Teacher II from Las Nieves National High School, Agusan del Norte Division. Teacher Kim writes poems and short stories as a pastime. Teacher Kim is currently a member of the Reading Association of the Philippines and International Literacy Association.

NB. ๐‘ป๐’‰๐’Š๐’” ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’† ๐’Š๐’๐’—๐’Š๐’•๐’†๐’” ๐’‚๐’๐’ ๐’•๐’†๐’‚๐’„๐’‰๐’Š๐’๐’ˆ, ๐’๐’๐’-๐’•๐’†๐’‚๐’„๐’‰๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‘๐’†๐’“๐’”๐’๐’๐’๐’†๐’, ๐’๐’†๐’‚๐’“๐’๐’†๐’“๐’”, ๐’‘๐’‚๐’“๐’•๐’๐’†๐’“๐’”, ๐’‚๐’๐’… ๐’๐’•๐’‰๐’†๐’“ ๐’”๐’•๐’‚๐’Œ๐’†๐’‰๐’๐’๐’…๐’†๐’“๐’” ๐’•๐’ ๐’”๐’‰๐’‚๐’“๐’† ๐’•๐’‰๐’†๐’Š๐’“ ๐’”๐’•๐’๐’“๐’Š๐’†๐’”, ๐’๐’†๐’˜๐’”, ๐’‡๐’†๐’‚๐’•๐’–๐’“๐’†๐’”, ๐’๐’‘๐’Š๐’๐’Š๐’๐’๐’”, ๐’‘๐’๐’†๐’Ž๐’”, ๐’‚๐’๐’… ๐’๐’•๐’‰๐’†๐’“ ๐’“๐’†๐’๐’‚๐’•๐’†๐’… ๐’˜๐’๐’“๐’Œ๐’” ๐’‡๐’๐’“ ๐’‘๐’–๐’ƒ๐’๐’Š๐’„๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ ๐’๐’ ๐‘ซ๐’†๐’‘๐‘ฌ๐’… ๐‘ช๐’‚๐’“๐’‚๐’ˆ๐’‚โ€™๐’” ๐’๐’‡๐’‡๐’Š๐’„๐’Š๐’‚๐’ ๐’˜๐’†๐’ƒ๐’”๐’Š๐’•๐’†๐’”. ๐‘จ๐’“๐’•๐’Š๐’„๐’๐’†๐’” ๐’Ž๐’–๐’”๐’• ๐’ƒ๐’† ๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ป ๐’Š๐’ ๐’‚๐’ ๐’†๐’…๐’Š๐’•๐’‚๐’ƒ๐’๐’† ๐’‡๐’๐’“๐’Ž๐’‚๐’• (๐’˜๐’Š๐’•๐’‰ ๐’‘๐’Š๐’„๐’•๐’–๐’“๐’†๐’”) ๐’‚๐’๐’… ๐’”๐’†๐’๐’• ๐’—๐’Š๐’‚ ๐’‘๐’“๐’Š๐’—๐’‚๐’•๐’† ๐’Ž๐’†๐’”๐’”๐’‚๐’ˆ๐’† (๐‘ท๐‘ด) ๐’‰๐’†๐’“๐’† ๐’๐’“ ๐’†๐’Ž๐’‚๐’Š๐’ ๐’‚๐’• ๐—ฝ๐—ฎ๐˜‚_๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ@๐—ฑ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฑ.๐—ด๐—ผ๐˜ƒ.๐—ฝ๐—ต