๐ฝ๐: ๐ฒ๐๐๐๐๐๐ ๐ฟ. ๐บ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ข ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ธ๐ธ
๐ป๐๐๐๐๐๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐๐
โ๐ฝ๐ช๐๐๐ฎโ, ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ก๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ข๐ช๐ฉ๐ช๐ ๐ค๐ฎ ๐จ๐ ๐ ๐๐๐จ๐-๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ก๐ค๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ค๐ค๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐๐๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐จ๐๐ฅ๐๐ก๐๐ง๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐ข๐๐ข๐ช๐๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ค ๐จ๐ ๐ข๐ช๐ฃ๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐ฌ. ๐๐๐๐๐ง๐๐ฃ๐ ๐๐ ๐ข๐๐ฉ๐๐ง๐ค๐ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐๐ก๐๐ข ๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐ช๐ก๐ช๐๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฉ๐ค ๐ฃ๐๐ช๐ฃ๐๐ฉ ๐๐ฉ๐ค ๐๐ฎ ๐ข๐๐๐๐ง๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ข๐๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฅ๐ฃ๐๐ฎ.
Ang buhay ng tao ay parang pagmamaneho ng isang jeepney, ikaw ang driver. Sa pagmamaneho mo ng sarili mong buhay, may sasakay at may bababa. Sila ang mga taong dumating sa buhay mo at sa mga taong ito, may iba na biglang mawawala. Ngunit tandaan na ang bawat pasahero na sasakay sa buhay mo ay may ibibigay sa iyo bago bumaba, iyon ay ang pamasahe. May iba na hindi tama ang bayad, may iba na subra ang ibibigay.
Sa buhay mo, ang pamasaheng ito ay ang mga di malilimutang ambag ng mga taong nakapaligid, ang mga alaalang pareho ninyong pinagsaluhan sa isang partikular na araw ng byahe ng buhay mo. May mga alaalang masasaya, maliligaya, malulungkot, masasakit at iba pa na ikaw lang ang nakakaalam. Ang mga pasaherong di mo malilimutan o mahirap kalimutan ay yung nagbayad ng kulang, yung nakipag-away sa iyo dahil nanghihingi ng sukli na siya namang nakalimutan mo kung nagbayad na ba talaga o hindi pa at nagsabi ng โkeep the changeโ.
Bilang isang tagapagmaneho ng buhay mo, wala kang kontrol kung kailan aalis ang mga taong pumasok sa buhay mo. Ang tungkulin mo lang ay ang magmaneho patungo sa tamang destinasyon na dapat mong puntahan. Ang mga taong nakapaligid sayo ay bababa sa kalagitnaan ng byahe mo hihinto kung saan ka dapat huminto.
Sa lahat ng mga taong dumating sa buhay mo, may iilan na tumatak sa puso at isip mo. Sila โyung mga taong nakasama mo nang matagal, nakaalitan, nakasama mo sa hirap at kagipitan, kalungkutan at kasiyahan, mga taong dumamay at hindi ka kalian man iniwan, mga taong nagbigay sa iyo ng pasakit, nagpaluha sayo, nagbigay ng sakit ng tiyan sa subrang kasiyahan at iba pa. Gayunpaman, ang pinakamahalaga ay ang katotohanang bawat taong sumakay o sumabay sa byahe ng buhay mo ay may naging ambag sayo na siyang humulma at patuloy na humuhulma sa kabuuan ng iyong pagkatao.
Ang dapat mo lang isipin ay kung paano mo pahahalagahan at gagamitin ang lahat ng binigay ng mga pasahero mo sa iyo bago sila bumaba. Ang mga ala-alang masasakit na naiwan sa iyo ng mga taong nasa paligid mo ay magpapatatag sa iyo at magbibigay ng karagdagang kaalaman sa buhay kung paano mo malalampasan ang mga pagsubok at kung paano mo maiiwasan ang mga paparating na dagok na handang magpalugmok sa iyo. Ang mga masasayang alaala naman ang magpapaalala sa iyo sa kagandahan ng buhay at kabutihang dulot ng mga taong minsan mong tinanggap at naging bahagi ng iyong pakikipagsapalaran dito sa mundong ibabaw.
Kahit na ang mga pasahero ay isa-isang bumaba sa buhay mo, may naiwan naman silang tatak na magagamit mo para mapaandar mong muli ang buhay mo at para makapagpatuloy ka sa susunod na byahe kinabukasan na kasabay ang ibang tao tungo sa isang panibagong paroroonan.
Sa madaling sabi, kung ang isang jeepney na dumaraan sa tamang kalsada ay nakarating nang maayos sa tamang paroroonan, gayundin ang tao sapagkat kung magiging maayos lang ang pagmamaneho mo ng buhay at kung tatahakin mo lamang ang tamang landas, tiyak na makakamtan mo iyong minimithi at maaabot mo ang destinasyong minsang naglaro sa iyong isipan.
Ikaw, paano mo ba minamaneho ang buhay mo? Paano mo ba ginamit ang mga barya-baryang naiwan ng mga taong naging bahagi ng buhay mo? Kung ano man ang sagot, ikaw lang ang nakakaalam.
โ โ โ โ โ โ โ END โ โ โ โ โ โ โ
NB. ๐ป๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐๐๐ฌ๐ ๐ช๐๐๐๐๐โ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐จ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ฒ๐ป ๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐) ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ (๐ท๐ด) ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฝ๐ฎ๐_๐ฐ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ด๐ฎ@๐ฑ๐ฒ๐ฝ๐ฒ๐ฑ.๐ด๐ผ๐.๐ฝ๐ต